Niyanig ng magnitude 3.3 na lindol ang bahagi ng Surigao del Sur alas-2:52 Huwebes ng madaling araw.
Ayon sa Phivolcs, ang episentro ng lindol ay sa layong 14 kilometro Timog-Kanluran ng bayan ng Carrascal.
May lalim ang pagyanig na limang kilometro at tectonic ang dahilan.
Sinabi ng Phivolcs na aftershock ang pagyanig ng magnitude 5.5 na lindol sa lalawigan noong July 13.
Samantala, hindi naman nagdulot ng pinsala sa mga ari-arian ang panibagong pagyanig at wala ring inaasahang aftershocks.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.