LGUs inutusan na pigilan ang pagkalat ng dengue

By Rhommel Balasbas July 18, 2019 - 03:53 AM

Inutusan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) araw ng Miyerkules ang mga lokal na pamahalaan na gumawa ng mga hakbang para mapigilan ang patuloy na pagtaas ng kaso ng dengue.

Naalarma si Interior Secretary Eduardo Año sa naging pagtaas ng kaso ng sakit at agad na pinakikilos ang mga local government units.

“The alarming increase of dengue cases in several areas should prompt LGUs to act now and act fast in arresting the spread of dengue in their respective areas. We should not allow dengue to debilitate our communities,” ani Año.

Partikular na ipinag-utos ni Año sa local chief executives ang pakikipag-ugnayan sa Department of Health (DOH) para mahanap ang pinamumugaran ng lamok sa kanilang mga lugar at ang pagsasagawa ng clean-up drives.

Ang direktiba ng kalihim ay matapos ideklara ng DOH ang National Dengue Alert makaraang umabot na sa 106,030 ang dengue cases hanggang June 29.

 

 

TAGS: Dengue, DILG, doh, Interior Secretary Eduardo Año, LGU, national dengue alert, pagkalat, Dengue, DILG, doh, Interior Secretary Eduardo Año, LGU, national dengue alert, pagkalat

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.