NDRRMC: 3,191 pamilya inilikas dahil sa Bagyong Falcon
Umabot sa 3,191 pamilya ang inilikas dahil sa mga pag-ulang dulot ng Tropical Storm Falcon at ng pinalalakas nitong Habagat.
Sa update ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) alas-9:20 Miyerkules ng gabi, sinabi ni NDRRMC Executive Director Ricardo Jalad na ang mga pamilyang inilikas ay mula sa mga bayan ng Lala, Kapatagan, Salvador, Sapad at Sultan Naga Dimaporo sa lalawigan ng Lanao del Norte.
Nagkaroon anya ng mga pagbaha sa naturang mga lugar.
Ang breakdown ng mga apektadong pamilya ay:
Kapatagan – 1,567 families
Lala – 645 families
Sapad – 775 families
Salvador – 147 families
Sultan Naga Dimaporo – 57 families
Ang mga pamilya mula sa Lala at Sapad ay kasalukuyang nanatili sa evacuation centers ng kanilang mga bayan maging sa mga gymnasiums, eskwelahan at barangay hall.
Sa Kapagatan naman, nananatili ang mga lumikas na pamilya sa municipal gymnasium.
Nakabalik na sa kanilang mga tahanan ang mga lumikas mula sa Salvador at Sultan Naga Dimaporo matapos humupa ang mga baha.
Itinaas na sa ‘red’ ang alert status sa Lanao del Norte upang mapabilis ang pagbibigay ng tulong sa mga naapektuhang pamilya ng malalakas na pag-ulan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.