BSP maglalabas ng P20 na barya

By Rhommel Balasbas July 18, 2019 - 03:26 AM

Nakatakdang maglabas ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ng P20 coin sa katapusan ng taon o sa simula ng 2020.

Ayon kay BSP Assistant Governor Dahlia Luna, ito ay matapos lumabas sa isang pag-aaral ng University of the Philippines (UP) na ang P20 bill ang pinakamaruming banknote sa bansa.

Ang P20 bill kasi ang pinakagamit na perang papel sa Pilipinas.

Sa ngayon ayon kay Luna ay nag-utos na ang Monetary Board na isapinal na ang disenyo ng panukalang P20 coin.

Target na mailunsad ang coin version ng P20 bago mag-Pasko.

Mas mahal anya ang gagastusin sa production cost ng P20 coin ng P2 kada piraso kaysa sa banknote version.

Gayunman, mas matagal naman ang lifespan ng coin na umaabot hanggang 15 taon kumpara sa banknote na isang taon lamang.

 

TAGS: Bangko Sentral ng Pilipinas, banknote, barya, maglalabas, Monetary Board, P20 coin, pinakagamit, pinakamarumi, production cost, up, Bangko Sentral ng Pilipinas, banknote, barya, maglalabas, Monetary Board, P20 coin, pinakagamit, pinakamarumi, production cost, up

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.