Magkakaibigan nag-inuman malapit sa dagat; 2 patay matapos malunod sa Zambales

By Rhommel Balasbas July 18, 2019 - 02:49 AM

FB photo

Dalawang magkaibigan ang nasawi makaraang tangayin ng malakas na alon sa dagat sa Iba, Zambales.

Ayon kay Iba, Zambales Disaster Risk Reduction Management Office Head Andres Antonio, Martes ng hapon nang magkayayaang mag-inuman at magtampisaw ang tatlong magkakaibigan sa dalampasigan sa kasagsagan ng Bagyong Falcon.

Kinilala ang unang nasawi na si Marisol Dagohoy na naisugod pa sa ospital ngunit idineklarang dead-on arrival.

Nawala naman ng halos 24 oras si Alison Testimio bago matagpuan ang katawan nito.

Nakaligtas naman ang kaibigan ng dalawa na nakilalang si Ayra Saytono.

Ayon kay Antonio, mahigpit na pinaalalahanan ang mga baranggay na bantayan ang coastal areas ngunit may mga nakakalusot pa ring iilang katao.

 

TAGS: Alison Testimio, Bagyong Falcon, dead on arrival, Disaster Risk Reduction Management Office, Iba, malakas na alon, Marisol Dagohoy, nag-iinuman, nalunod, zambales, Alison Testimio, Bagyong Falcon, dead on arrival, Disaster Risk Reduction Management Office, Iba, malakas na alon, Marisol Dagohoy, nag-iinuman, nalunod, zambales

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.