WHO: Ebola outbreak sa Congo isa ng global health emergency

By Len Montaño July 18, 2019 - 02:28 AM

Itinuring na ng World Health Organization (WHO) ang Ebola outbreak sa Congo na isa na ngayong global health emergency matapos kumalat ang virus sa isang lugar na mayroong 2 milyong residente.

Bagamat tatlong beses nang tumanggi ang isang komite ng WHO sa naturang deklarasyon, ilang eksperto ng nasabing United Nations health agency ang nagsabi na matagal nang naabot ng outbreak ang naturang kundisyon.

Mula noong Agosto ng nakaraang taon, mahigit 1,600 katao na ang namatay sa Ebola outbreak na second deadliest sa kasaysayan.

Sa ngayon ay isang rehiyon sa Congo ang apektado ng Ebola outbreak.

Nakumpirma ang unang kaso ng Ebola sa Goma na isang lugar sa Rwadan border na mayroong international airport.

Ang deklarasyon ng global health emergency ay kalimitang nagdadala ng mas maraming tulong mula sa international community.

 

TAGS: Congo, ebola outbreak, global health emergency, international community, WHO, Congo, ebola outbreak, global health emergency, international community, WHO

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.