Gumahasa at pumatay sa batang lalaki sa Makati kakasuhan ngayong araw

By Noel Talacay July 18, 2019 - 12:27 AM

Nakatakdang sampahan ng kaso ngayong Huwebes ang suspek sa paggahasa at pagpatay sa isang taong gulang na batang lalaki sa Makati City Miyerkules ng umaga.

Ayon kay Police Major Gideon Gines ng Makati Police, nahaharap sa kasong rape with homicide ang suspek na si Gerald Reparip, 28-anyos at isang construction worker.

Lumabas sa imbestigasyon na matapos halayin ay sinakal ng suspek ang bata dahilan para masawi ito.

Sinabi rin ni Gines na maliban sa sakal, bali ang balakang at basag ang bungo ng bata.

Una rito ay inamin ni Reparip na hindi niya alam na nagawa niya ang krimen dahil sa kalasingan.

TAGS: 1 taong gulang, batang lalaki, Gerald Reparip, ginahasa, lasing, Makati Police, pinatay, rape with homicide, 1 taong gulang, batang lalaki, Gerald Reparip, ginahasa, lasing, Makati Police, pinatay, rape with homicide

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.