Stranded na mga pasahero sa mga pantalan dahil sa Bagyong Falcon nabawasan na

File photo

Nabawasan na ang bilang ng mga pasahero na stranded sa iba’t ibang pantalan sa bansa dahil sa masamang panahon na dulot ng Bagyong Falcon.

Sa tala ng Philippine Coast Guard hanggang alas 8:00 Miyerkules ng gabi, nasa 72 pasahero na lamang ang stranded sa mga pantalan sa Bicol at Visayas.

Karamihan sa mga stranded na pasahero ay sa Bulan Port sa Sorsogon na nasa 50.

Habang ilan pang pasahero sa Pasacao Port sa Camarines Sur at RJL Port sa Antique sa Western Visayas ang hindi pa rin nakabiyahe.

Samantala, nasa 21 barko at 13 motorbanca ang nananatili sa mga pantalan sa Central at Western Visayas.

Read more...