P4.3M halaga ng pananim sa Negros Occ. nasira ng Bagyong Falcon

By Angellic Jordan July 17, 2019 - 10:12 PM

Screengrab of Japhet Masculino video

Aabot sa P4.3 milyon na halaga ng pananim ang nasira sa ilang bayan sa Negros Occidental bunsod ng Bagyong Falcon.

Sa isang panayam, sinabi ni Dina Gensola mula sa provincial agriculture office sa lugar na apektado ang palayan sa bayan ng Valladolid at San Enrique.

Nasa 676 na ektaryang palayan ang nasira sa 21 barangay sa probinsya.

400 na ektarya naman partikular sa Valladolid ang lubog sa baha.

Pinayuhan naman ni Gensola ang 430 apektadong magsasaka na ayusin ang mga dokumento para makakuha ng insurance.

TAGS: Bagyong Falcon, baha, nasira, Negros Occidental, palayan, pananim, San Enrique, Valladolid, Bagyong Falcon, baha, nasira, Negros Occidental, palayan, pananim, San Enrique, Valladolid

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.