Magkakaroon ng balasahan sa gabinete ni Pangulong Rodrigo Duterte ngayong linggo o bago ang State of the Nation Address (SONA) sa July 22.
Ayon kay Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar, malliit lang na bilang ng gabinete ang maapektuhan sa reshuffle.
Gayunman, hindi na tinukoy ni Andanar kung sino sa hanay ng mga kalihim ang maapektuhan sa balasahan.
Isa si Andanar sa mga matunog na itatalaga bilang presidential adviser on political affairs kapalit ni Francis Tolentino na kumandidatong senador sa katatapos na 2019 elections.
Pero ayon kay Andanar, wala pang pinal na pahayag si Pangulong Duterte kung itatalaga isang political adviser.
Inihayag pa ng kalihim na lahat naman ng mga miyembro ng gabinete ay naglilingkod sa kagustuhan ng pangulo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.