Itinanggi ni Albay Rep. Joey Salceda ang pagkakaroon ng kudeta sa pagbubukas ng 18th Congress sa Lunes.
Ayon kay Salceda, nakikita niya na hindi magtatagumpay ang kudeta sa speakership sa Kamara.
Paliwanag nito, nagbigay na ng sushestyon si Pangulong Duterte kaya inaasahan nito na ito na ang susundin ng mga kongresista.
Sinabi naman ni Anakalusugan Rep. Mike Defensor na inirerespeto ng mga kongresista ang naging pag-endorso ng pangulo sa term sharing nina Taguig Rep. Alan Peter Cayetano at Marinduque Rep. Lord Allan Velasco bilang House Speaker.
Bukod dito, inaayos na rin anya ang organization ng bubuo sa house leadership.
Nauna nang inihayag ni presidential son at Davao City Rep. Paolo Duterte na mayroong speaker aspirant ang maaring magpasimuno ng kudeta sa mauupong lider ng Kamara.