Suspek na nang-rape at pumatay sa isang 1-year old na batang lalaki huli sa Makati

By Angellic Jordan July 17, 2019 - 04:40 PM

Inquirer photo

Inamin ng suspek na siya ang responsable sa pagpatay at paggahasa sa isang taong gulang na batang lalaki sa Makati City.

Natagpuang wala nang buhay ang biktima sa isang abandonadong gusali sa Yakal Street sa Barangay San Antonio bandang alas dose y medya, Miyerkules ng umaga.

Ayon sa suspek na si Gerald Reparip, bente-otso anyos, sinakal niya ang biktima matapos gahasain na naging dahilan ng agarang pagkamatay nito.

Humingi ng paumanhin ang suspek sa nagawang karumaldumal na krimen dahil nadala lamang aniya siya ng alak.

Nagdiwang ng kaarawan ng lolo ng biktima at nagkaroon ng inuman sa ikalawang palapag ng gusali.

Inimbita ng bayaw ng lolo ang suspek na isang construction worker sa Muntinlupa.

Itinanggi naman ni Reparip na gumagamit siya ng ilegal na droga.

Ayon kay Col. Rogelio Simon, hepe ng Makati City Police, isasailalim ang suspek sa ilang pagsusuri para malaman kung gumagamit ito ng ilegal na droga.

Mahaharap ang suspek sa kasong rape with homicide.

TAGS: Gerald Reparip, makati city, rape, Gerald Reparip, makati city, rape

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.