Disqualification case ni Poe iaakyat na sa SC

grace-poe1
Inquirer file photo

Dudulog na sa Supreme Court ang kampo ni Sen. Grace Poe makaraan nilang matanggap ang desisyon ng Comelec en banc na nagpatibay sa desisyon ng dalawang dibisyon ng poll body para sa tuluyang disqualification ng presidential candidate.

Aminado si Atty. George Garcia, abogado ni Poe na nagtataka sila sa timing ng mga pangyayari dahil masyado nang kapos ang oras para sa kanilang mga gagawing pagkilos dahil panahon na ng Christmas break.

Si Poe ay meron lamang limang araw para idulog sa Mataas na Hukuman ang kanilang apela makaraang matanggap ang promulgated decision ng Comelec en banc.

Magugunitang hindi kinatigan ang First at Second Division ng Comelec ang mosyon ni Poe na baliktarin ang mga nauna nilang desisyon sa disqualification case laban sa mambabatas.

Sinabi ng Comelec na bigo si Poe na patunayan na siya’y isang natural-born Filipino at nagkaroon din umano ng misrepresentation sa inihain niyang Certificate of Candidacy kaugnay sa required residency para sa mga tumatakbo sa political positions.

Nauna namang sinabi ni Supreme Court Chief Justice Ma. Lourdes Sereno na nakahanda silang magsagawa ng urgent session para sa mga kasong nangangailangan ng mabilisang tugon ng Mataas na Hukuman.

Read more...