Pagtulong sa mga biktima ng bagyo sa Samar tuloy ayon sa Malacanang

By Den Macaranas December 23, 2015 - 04:43 PM

SONNY-HERMINIO-COLOMA
Inquirer file photo

Tiniyak ng Malacañang na tuloy ang relief efforts ng pamahalaan sa mga bayan sa lalawigan ng Samar na sinalanta ng bagyong Nona.

Ito’y sa kabila ng naganap na pag-ambush ng mga miyembro ng CPP-NPA sa convoy ng militar na magdadala ng tulong sa mga binagyo sa Bayan ng Las Navas Northern Samar.

Isang tauhan ng Philippine Army mula sa 20th Infantry Batallion na nakabase sa nasabing lalawigan ang napatay sa pananambang.

Naganap ang ambush ilang oras bago ang ceasefire sa pagitan ng pamahalaan at komunistang grupo na nagsimula 12:01am ng December 23 at magtatapos sa January 3, 2016.

Sinabi ni Communications Sec. Sonny Coloma na tuloy ang pagtulong ng pamahalaan sa mga nasalanta ng bagyo kasabay ang panawagan sa CPP-NPA na igalang ang relief efforts ng gobyerno.

Noong isang linggo ay inambush din ng mga rebelde ng isang convoy ng militar sa Samar kasama ang ilang mga tauhan ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Dalawang sundalo ang sugatan sa nasabing ambush.

TAGS: AFP, ambush, Malacañang, Nona, Samar, AFP, ambush, Malacañang, Nona, Samar

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.