Bureau of Immigration may paalala sa mga dayuhan sa SONA ni Pangulong Duterte

By Jan Escosio July 17, 2019 - 12:18 PM

Nagpaalala ang Bureau of Immigration (BI) sa mga banyaga sa bansa na bawal silang makilahok sa mga protestang pulitikal.

Ang paalala ay kaugnay sa ikaapat na State of the Nation Address o SONA ni Pangulong Duterte na magaganap sa Lunes, Hulyo 22.

Sinabi ni Immigration Chief Jaime Morente posibleng maharap sa deportation at exclusion ang mga banyaga na mahuhuling lumalahok sa mga political activities.

Paliwanag ng opisyal ang pagpapasok sa Pilipinas sa mga banyaga ay isang pribilehiyo lang at hindi sila nabibigyan ng political rights.

Pagdidiin nito kawalan ng respeto sa soberaniya ng Pilipinas ang pagsawsaw ng mga banyaga sa mga gawaing politikal sa bansa.

Ipinaalala pa nito ang nangyari kay Sister Patricia Fox, na napalayas ng bansa dahil sa pakikilahok sa mga political activities.

TAGS: foreign nationals, SONA, foreign nationals, SONA

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.