Lider ng minorya dapat manggaling sa oposisyon ayon sa Makabayan bloc sa Kamara

By Erwin Aguilon July 17, 2019 - 12:10 PM

Iginiit ng Makabayan bloc sa Kamara na dapat manggaling sa oposisyon ang magiging minority floor leader.

Ayon kay Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate hindi dapat kakampi ng Malakanyang ang magiging lider ng minorya sa Kamara.

Paliwanag ng mambabatas, ang sistema ng check and balances sa pamahalaan ay dapay nagmumula sa mga fiscalizers sa Kamara.

Hindi naman anya maaring ang minority leader ay pangunahing tagapag-taguyod din ng agenda ng administration.

Idinagdag nito na maraming batas ang gagawin na kailangang pagdebatehang mabuti kaya mainam na dapat sa oposisyon magmula ang minority leader.

TAGS: House of Representatives, minority bloc, Radyo Inquirer, zarate, House of Representatives, minority bloc, Radyo Inquirer, zarate

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.