Prince Harry at Meghan Markle, kabilang sa most influential people sa internet

By Jimmy Tamayo July 17, 2019 - 12:06 PM SHARE(S):

Nakapasok ang Duke at Duchess of Sussex sa listahan ng most influential people sa internet.

Sa Inilabas na fifth annual rundown ng Time magazine, kasama sina Prince Harry at Meghan Markle sa mga gumagawa ng ingay sa social media.

Unang pagkakataon ito na nakasama ang dalawa sa nasabing listahan bagamat kasisimula lang ng kanyang Instagram account noong Abril.

Ang joint IG account ni Prince Harry at Markle ay mayroon nang 9 million followers.

Kasama din sa listahan sina Ariana Grande, ang South Korean group na BTS, Lil Nas X at si President Donald Trump.

Bukod naman kina Prince Harry at Markle, nadagdag din sa listahan sina US Rep. Alexandria Ocasio-Cortez, vlogger na si James Charles at si Chris Godfrey.

TAGS: Duchess of Sussex, Duke of Sussex, Meghan Markle, Prince Harry, Duchess of Sussex, Duke of Sussex, Meghan Markle, Prince Harry

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.