LOOK: Mga raliyista tinangkang pasukin ang DepEd

By Dona Dominguez-Cargullo July 17, 2019 - 11:47 AM

Nagsagawa ng kilos protesta sa tanggapan ng Department of Education (DepEd) ang mga militanteng grupo.

Kinondena nila ang pagpapasara ng DepEd sa mahigit 50 Lumad Schools sa Southern Mindanao.

Bitbit ang mga placard, tinangka pa ng mga raliyista mula sa grupong “Save Our School Network” na pwersahang buksan ang gate ng DepEd para makapasok sa gusali.

Pero maagap ang mga security personnel ng DepEd at agad hinarangan ang mga raliyista.

Magugunitang sinuspinde ng DepEd ang permit ng 55 eskwelahan sa Southern Mindanao.

Ito ay base sa ulat ni National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr., na ang mga estudyante sa naturang mga paaralan ay tinuturuan umano na lumaban sa gobyerno.

TAGS: deped, Lumad schools, Mindanao, Rally, deped, Lumad schools, Mindanao, Rally

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.