Hukom sa Taguig natangayan ng pera at mga gamit habang nasa gym sa Pasay

By Dona Dominguez-Cargullo July 17, 2019 - 10:58 AM

Aabot sa P40,000 na halaga ng cash at mga gamit ang natangay mula sa isang hukom sa Taguig City habang siya ay nagwo-work out sa isang gym sa Pasay City.

Ang biktima ay si Judge Bernard Bernal, 41 anyos at executive judge ng Taguig RTC BRanch 74.

Ayon sa Pasay City police, pumasok sa gym ang hukom at inilagay sa locker ang kaniyang mga personal na gamit bago sinimulan ang workout session Martes (July 16) ng hapon.

Pagkatapos niyang mag-workout ay nadiskubre niyang wala na ang mga gamit niya sa locker.

Kabilang sa nawala ang kaniyang diamond ring na nagkakahalaga ng P275,000, P40,000 na cash, at mahahalagang ID sa kaniyang wallet.

Ayon sa Pasay Police walang CCTV sa locker area ng gym.

Patuloy pa ang imbestigasyon sa insidente.

TAGS: Gym, Pasay City, taguig rtc judge, theft, Gym, Pasay City, taguig rtc judge, theft

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.