1 taong gulang na sanggol na lalaki, ginahasa at pinatay sa Makati

By Dona Dominguez-Cargullo July 17, 2019 - 10:51 AM

Patay na ng matagpuan ang isang taong gulang na sanggol na lalaki sa Makati City na unang iniulat na nawawala ng kanyang pamilya.

Nakita ang bata sa Yakal Street sa Barangay San Antonio matapos iulat na nawawala kahapon.

Ayon sa Makati City police, huling nakita ang bata kahapon kasama ang isang lalaki na bumibili ng pagkain sa isang tindahan.

Dahil hindi natagpuan mula kahapon, iniulat sa pulisya ng pamilya ng bata ang pagkawa nito.

Nadiskubre ang bangkay ng bata na walang damit.

Dinala sa ospital ang ang katawan ng bata, kung saan lumitaw sa pagsusuri na ito ay ginahasa bago pinatay.

Naaresto naman ng mga pulis ang lalaking huling nakitang kasama ng bata, pero itinatanggi nitong may ginawa siyang krimen.

TAGS: crime, makati city, metro, Murder, police, rape, crime, makati city, metro, Murder, police, rape

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.