Away sa basketball nauwi sa rambol sa QC; 5 ang sugatan

By Dona Dominguez-Cargullo July 17, 2019 - 09:58 AM

Nauwi sa rambol at pananaksak ang away sa basketball sa Batasan National High School, Martes (July 16) ng hapon.

Ayon kay Police Lt. Col. Josel Villanueva ng Batasan Police, nagkaroon lamang ng pagtatalo sa basketball na nauwi na sa rambulan ng dalawang grupo.

Llimang lalaki ang nasugatan makaraang masaksak ng kalabang grupo.

Sa ngayon ayon kay Villanueva stable na ang kondisyon ng apat sa mga biktima, habang ang isa pang 15 anyos ay nagpapagaling pa dahil tinamaan ng saksak ang kaniyang atay.

Hawak naman ng mga otoridad ang suspek na si alyas Glemon at narecover din sa kaniya ang kutsilyong ginamit.

TAGS: basketball, batasan, quezon city, basketball, batasan, quezon city

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.