MMFF parade of stars dinagsa ng mga movie fans

By Den Macaranas December 23, 2015 - 04:07 PM

MMFF 2015
Kuha ni Philip Roncales

Dinumog ng mga excited na movie fans ang parade of stars ng mga pelikulang kalahok sa 2015 Metro Manila Film Festival (MMFF).

Maaga pa lamang kanina ay sarado na sa daloy ng trapiko ang ilang bahagi ng Roxas at Macapagal Blvd. kaugnay sa parada ng mga bituin.

Kabilang sa mga pelikulang bahagi ng MMFF sa taong ito ay ang “All You Need is Pag-ibig” na pinagbibidahan nina Kris Aquino at Derek Ramsey.

Kasama rin sa film festival ang “Beauty and Bestie” nina Coco Martin at Vice Ganda, “Buy no Die later” nina Vhong Navarro at Alex Gonzaga at “Haunted Mansion” nina Janelle Salvador at Marlo Mortel.

Kasali rin sa 2015 MMFF ang “Honor thy Father” nina John Lloyd Cruz at Meryll Soriano, “Walang forever” nina Jennylyn Mercado at Jericho Rosales, “Nilalang” nina Cesar Montano at Maria Ozawa at “My Bebe love: #KiligPaMore” nina Vic Sotto, Ai Ai delas Alas, Alden Richards at Maine Mendoza.

Sinabi ni Metropolitan Manila Development Authority acting Chairman Emerson Carlos na umaasa silang tatangkilikin ng mga manonood ang mga kasaling pelikula na magsisimulang ipalabas sa mga sinehan sa araw ng Pasko.

Ang Metro Manila Film Festival ay sinimulan noong 1975 ay hinango mula sa Manila Film Festival noong 1966 na sinimulan ni dating Manila Mayor Antonio Villegas na naglalayong itaguyod ang Pelikulang Filipino.

 

TAGS: Carlos, mmda, MMFF, Carlos, mmda, MMFF

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.