Maliban sa sakit na dengue, kaso ng leptospirosis maari ding dumami ngayong panahon ng tag-ulan – DOH
Maliban sa sakit na dengue, maari ding dumami ang kaso ng leptospirosis ngayong madalas ang pag-ulan.
Ayon kay Department of Health (DOH) Sec. Francisco Duque, mahalagang kumilos ang lokal na pamahalaan para maiwasan ang pagdami ng kaso ng mga sakit ngayong rainy season.
Sa panayam ng Radyo Inquirer, pinaalalahanan ni Duque ang mga lokal na pamahalaan na tiyaking maayos ang kanilang garbage collection, flood control measures at paglilinis ng mga estero.
Tiniyak ni Duque na sapat ang gamot na ipinamamahagi ng DOH sa mga local government unit laban sa leptospirosis.
Handa rin aniya ang mga ospital sa bansa ngayong panahon ng tag-ulan at magtataas sila ng alerto kung kakailanganin.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.