Sa 8AM weather bulletin ng PAGASA huling namataan ang bagyo sa 200 kilometers East ng Aparri.
Taglay ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 65 kilometers bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 80 kilometers bawat oras.
Kumikilos ang bagyo sa bilis na 20 kilometers bawat oras sa direksyong west northwest.
Nananatiling nakataas ang public storm warning signal number 2 sa:
• Apayao
• Batanes
• at Cagayan kabilang ang Babuyan Group of Islands
Signal number 1 naman sa:
• Ilocos Norte
• Abra
• Kalinga
• Isabela
• Mountain Province
• at Ifugao
Ang bagyo ay maghahatid ngayong araw ng hanggang s amalakas na buhos ng ulan sa Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Cagayan Valley, Central Luzon, Cavite, Batangas, Occidental Mindoro, northern Palawan kabilang ang Calamian at Cuyo Islands, Aklan, Antique, Capiz, Iloilo, at Guimaras.
Habang mahina hanggang katamtaman at kung minsan ay malakas na buhos ng ulan sa Metro Manila, CALABARZON, Bicol Region, nalalabing bahagi ng Visayas, at nalalabing bahagi ng of MIMAROPA.
Samantala, isang panibagong Low Pressure Area (LPA) naman ang namataan ng PAGASA na nasa layong 170 kilometers West ng Laoag City, Ilocos Norte