Bagyong Falcon bahagyang bumagal nasa silangang bahagi na ng Aparri, Cagayan; panibagong LPA namataan ng PAGASA sa Ilocos Norte

By Dona Dominguez-Cargullo July 17, 2019 - 09:14 AM

Bahagyang bumagal ang kilos ng tropical storm Falcon na ngayon ay nasa silangang bahagi na ng Aparri, Cagayan.

Sa 8AM weather bulletin ng PAGASA huling namataan ang bagyo sa 200 kilometers East ng Aparri.

Taglay ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 65 kilometers bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 80 kilometers bawat oras.

Kumikilos ang bagyo sa bilis na 20 kilometers bawat oras sa direksyong west northwest.

Nananatiling nakataas ang public storm warning signal number 2 sa:
• Apayao
• Batanes
• at Cagayan kabilang ang Babuyan Group of Islands

Signal number 1 naman sa:
• Ilocos Norte
• Abra
• Kalinga
• Isabela
• Mountain Province
• at Ifugao

Ang bagyo ay maghahatid ngayong araw ng hanggang s amalakas na buhos ng ulan sa Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Cagayan Valley, Central Luzon, Cavite, Batangas, Occidental Mindoro, northern Palawan kabilang ang Calamian at Cuyo Islands, Aklan, Antique, Capiz, Iloilo, at Guimaras.

Habang mahina hanggang katamtaman at kung minsan ay malakas na buhos ng ulan sa Metro Manila, CALABARZON, Bicol Region, nalalabing bahagi ng Visayas, at nalalabing bahagi ng of MIMAROPA.

Samantala, isang panibagong Low Pressure Area (LPA) naman ang namataan ng PAGASA na nasa layong 170 kilometers West ng Laoag City, Ilocos Norte

TAGS: falcon, LPA, Pagasa, weather, falcon, LPA, Pagasa, weather

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.