Pangulong Duterte nababahala sa mga Filipino sa Iceland

By Chona Yu July 17, 2019 - 08:20 AM

Aminado si Pangulong Rodrigo Duterte na nababahala siya na maaring maapektuhan ang mga Filipino sa Iceland.

Ito ay kung puputulin na ng Pilipinas ang diplomatic relations sa Iceland dahil sa hirit ng huli sa United National Human Rights Council na imbestigahan ang anti-drug war campaign ni Pangulong Duterte.

Ayon sa pangulo, maaring hindi kasi magustuhan ng Iceland ang gagawin ng Pilipinas.

Pero ayon sa pangulo, hindi niya palalampasin ang tahasang pakikiaalam ng Iceland sa panloob na usapin sa Pilipinas.
Palaisipan para sa pangulo na patuloy na nagrereklamo ang Iceland sa extra judicial killings sa Pilipinas.

Wala aniyang problema ang Iceland dahil hindi naman sila nakararanas ng full night na darkness kung kaya wala silang kriminalidad sa mga lansangan.

Tinatayang nasa dalawang libong Filipino ang nasa Iceland.

TAGS: Filipino in Iceland, Iceland, president duterte, Filipino in Iceland, Iceland, president duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.