Biyahe ng LRT-1 ilang minutong nagka-aberya

Nagkaaberya ang biyahe ng Light Rail Transit Line 1 (LRT-1) ilang minuto bago mag-alas-7:00 ngayong umag.

Ayon sa abiso ng pamunuan ng LRT-1, nasira ang tren sa bahagi ng Blumentritt Station (Southbound).

Dahil sa insidente ipinatupad ang code red at pansamantalang nahinto ang lahat ng tren sa mga istasyon ng LRT-1.

Umabot sa halos 20 minuto ang hindi pag-andar ng mga tren at tuluyan lamang naialis ang code red eksakto alas-7:25 ng umaga.

Read more...