Mahigit 200 pasahero stranded sa mga pantalan dahil sa bagyong Falcon
Mahigit dalawangdaang pasahero ang stranded sa mga pantalan dahil sa sama ng panahon na dulot ng bagyong Falcon.
Sa datos ng Philippine Coast Guard (PCG), sa Antique, mayroong 4 na pasahero at 1 barko na stranded sa RJL Pier, habang 1 barko din ang stranded sa Lipata Port.
Sa Manila North Harbor naman mayroong 219 na pasahero ang stranded at 10 motorbanca.
Sa kabuuan ayon sa coast guard, may 223 na mga pasahero ang stranded.
Patuloy na ipinatutupad ng coast guard ang Memorandum Circular Number 02-13 na nagbabawal sa mga sasakyang pandagat na maglayag kapag masama ang lagay ng panahon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.