Tatlong apartment unit sa QC nasunog

By Dona Dominguez-Cargullo July 17, 2019 - 06:31 AM

Tinupok ng apoy ang tatlong apartment unit sa Barangay Bagong Lipunan ng Crame sa Quezon City.

Nagsimula ang sunog sa alas 4:30 ng umaga ng Miyerkules (July 17) sa bahagi ng 2nd Avenue.

Umabot lang sa unang alarma ang sunog at agad ding nakontrol ng mga tauhan ng Quezon City Fire Department.

Maliban sa tatlong apartment unit ay wala nang iba pang nadamay sa sunog.

Apat na pamilya ang naapektuhan ng sunog.

Inaalam pa kung ano ang pinagmulan ng apoy.

TAGS: barangay bagong lipunan, fire incident, quezon city, barangay bagong lipunan, fire incident, quezon city

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.