10 arestado sa buy-bust operation sa Makati

By Rhommel Balasbas July 17, 2019 - 04:56 AM

Naaresto ang sampu katao sa isinagawang buy-bust operation sa Brgy. Guadalupe Viejo, Makati.

Ayon kay Makati City Police chief Police Colonel Roger Simon, ikinasa ang operasyon laban kay alyas ‘Mark Lester’ na kalaunan ay napag-alamang Bantay-bayan ng baranggay.

Inalok ng suspek ang pulis na nagpanggap na poseur buyer ng shabu na nagkakahalaga ng P1,000 ngunit P500 lang ang kayang bilhin operatiba.

Kasunod nito ay may pumasok na tatlong suspek na nakilalang sina alyas ‘Mabet’ alyas ‘Romel’ at alyas ‘Jr’ at inalok ang poseur buyer ng shabu na nagkakahalaga lang ng P500.

Nagkabayaran na at nilusob ng mga pulis ang lugar kung saan naabutan ang iba pang suspek na gumagamit ng shabu.

Nakuha mula sa mga suspek ang 115 plastic sachet ng shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P57,000 at mga drug paraphernalia.

Ang siyam na iba pang nahuling suspek ay kasama sa drugs watchlist ng lungsod.

 

TAGS: 10 arestado, buy bust, drugs watchlist, Makati, shabu, 10 arestado, buy bust, drugs watchlist, Makati, shabu

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.