10 patay sa pagguho ng gusali sa India

By Rhommel Balasbas July 17, 2019 - 04:54 AM

Reuters photo

Hindi bababa sa 10 katao ang nasawi habang marami pa ang pinangangambahang naipit matapos gumuho ang isang apat na palapag na gusali sa Mumbai City sa India.

Hindi pa malaman ang dahilan ng pagguho ng building na nasa bahagi ng Dongri pero higit 100 taong gulang na umano ito ayon sa Indian officials.

Isa sa mga tinitingnang dahilan ay ang naganap na pagbaha dulot ng monsoon rains.

Patuloy ang pagsasagawa ng search and rescue operations para sa mga naipit pa sa building.

Ayon sa Indian police, nasa 15 pamilya ang naninirahan sa gusali.

Kabilang sa mga kumpirmado nang nasawi ay tatlong bata habang walo pa ang isinugod sa mga ospital.

Nagpahayag na ng pakikiramay si Prime Minister Narendra Modi sa mga pamilya ng nasawi at tiniyak na ibibigay ang kaukulang tulong sa mga ito.

 

TAGS: 10 patay, gumuho, gusali, India, monsoon rains, mumbai, naipit, pagbaha, Prime Minister Narendra Modi, 10 patay, gumuho, gusali, India, monsoon rains, mumbai, naipit, pagbaha, Prime Minister Narendra Modi

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.