3 patay sa pagguho ng lupa sa Davao Occidental

By Len Montaño July 17, 2019 - 04:50 AM

Tatlo ang nasawi sa landslide sa Jose Abad Santos, Davao Occidental.

Nabatid na mula noong Linggo ay umuulan sa lugar dahil sa dating low pressure area (LPA) na naging Bagyong Falcon.

Kinilala ni Jose Abad Santos Mayor Jason Joyce ang mga biktima na sina Efrencio Serna, Sr., 53 anyos, Mateya Serna, 53 at Efrencio Serna Jr., 23 anyos.

Bumili ng pagkain ang magkakamag-anak pero pag-uwi nila ay nagkaroon ng landslide sa Barangay Nuing.

Natagpuan kalaunan ang bangkay ng tatlo na natabunan ng bato, punong kahoy at lupa.

Isinara na ang naturang daan at nagbukas ng ibang daan na ligtas sa posibleng pagguho ng lupa.

 

TAGS: 3 PATAY, bumili ng pagkain, Davao Occidental, Jose Abad Santos, landslide, Mayor Jason Joyce, pagguho ng lupa, 3 PATAY, bumili ng pagkain, Davao Occidental, Jose Abad Santos, landslide, Mayor Jason Joyce, pagguho ng lupa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.