Itinalaga ni Pope Francis si Father Midyphil Billones bilang auxiliary bishop ng Cebu.
Si Billones, 50 anyos, mula sa Iloilo, ay magiging katuwang ni Archbishop Jose Palma sa pagpapatakbo sa Archdiocese of Cebu – ang pinakamalaking arkidiyosesis sa Pilipinas at sa buong Asya.
Ang appointment ni Billones bilang ‘Titular See of Tagarata’ ay isinapubliko kahapon, araw ng Martes sa Vatican.
Ang pagtatalaga sa bishop-elect ay dalawang buwan matapos italaga si Cebu auxiliary bishop Dennis Villarojo bilang bagong obispo ng Diocese of Malolos.
Si Billones ay naordinahang pari para sa Archdiocese of Jaro noong October 2, 1995.
Naging rector si Billones ng St. Joseph Regional Seminary at pinamunuan ang Commission on the Laity ng archdiocese of Jaro simula 2013.