Duterte binalaan ang landowners na hindi susunod sa agrarian reform
Binalaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga landowners ng mga lupang nasa ilalim ng land reform sa anumang tangkang pagpigil sa pamamahagi ng lupain para sa mga benepisyaryo.
Sa kanyang talumpati sa Tagum City, Martes ng gabi, sinabi ni Duterte na dapat ibigay sa mga umookupa ang mga lupa dahil ito ang sinasabi ng batas.
“I’d like to warn you again na ibigay niyo na sa mga beneficiaries ang possession sa lupa because the law says it goes to the tenants,” ani Duterte.
Isiniwalat ng pangulo na mayroong mayayamang tao sa ilang mga lugar na kumuha ng armadong mga indibidwal para pigilan ang land reform.
Payo ng pangulo, sumunod na lang sa batas ang mga landowners.
Una rito, sinabi ng presidente na ang dahilan ng rebelyon ay ang kabiguan ng gobyernong maibigay ang pangunahing pangangailangan ng mga mamamayan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.