Palasyo hindi paiimbestigahan sa PNP kung NPA ang nasa likod ng Iceland resolution

By Chona Yu July 17, 2019 - 03:54 AM

Walang balak ang Palasyo ng Malakanyang na paimbestigahan sa Philippine National Police (PNP) ang ulat na maaaring ang Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) ang isa sa mga nagbibigay ng maling impormasyon sa Iceland para ihirit sa United Nations Human Rights Council (UNHRC) na imbestigahan ang anti-drug war campaign ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, pababayaan na lamang ng Palasyo ang rebeldeng grupo dahil hindi naman na sila pinaniniwalaan ng publiko.

Isa, dalawa o tatlong porsyento na lamang aniya ng mga Filipino ang naniniwala sa CPP-NPA.

“Pabayaan mo iyong paninira nila, kasi iyong sambayanang Pilipino wala namang naniniwala. Kung may naniniwala man, siguro 1%, 2%, 3%… sila-sila lang yata rin iyon eh,” ani Panelo.

Sinabi pa ni Panelo na sa halip na pag-aksayahan ng panahon ang CPP-NPA, tututukan na lamang ng pamahalaan ang paggawa ng mabubuting bagay para sa ikagaganda ng buhay ng mga Filipino.

Dagdag ng Kalihim, hindi naman legally binding ang resolusyon ng UNHRC dahil 18 lamang sa 45 miyembrong bansa ang sumuporta sa resolusyon ng Iceland.

Malinaw aniya na hindi majority vote ang nakuha ng Iceland.

 

TAGS: CPP-NPA, Iceland, PNP, Presidential spokesman Salvador Panelo, rebelde, resolution, UNHRC, CPP-NPA, Iceland, PNP, Presidential spokesman Salvador Panelo, rebelde, resolution, UNHRC

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.