Pacquiao-Khan fight gagawin sa Saudi Arabia sa Nov. 8

By Len Montaño July 17, 2019 - 03:35 AM

Pumayag na si Amir Khan sa deal na labanan si Manny Pacquiao sa Riyadh, Saudi Arabia sa huling bahagi ng taon.

Pahayag ito ni Khan matapos nitong talunin sa fourth round ang Australian na si Bill Dib sa laban nila sa Jeddah noong July 13 para makuha ang WBC international welterweight title.

Habang ang pambasang kamao na si Pacquiao ay nakatakdang makasagupa ang Amerikanong si Keith Thurman sa Sabado araw sa Las Vegas o ngayong Linggo araw dito sa Pilipinas.

Sinabi ni Khan sa British media na ang laban nila ni Pacman ay nakatakda sa November 8.

Kumpyansa si Khan na matutuloy ang laban nila ng Filipino boxing icon anuman ang maging resulta ng laban nito kay Thurman.

Malaking laban anya sa Middle East ang sagupaan nila ni Pacquiao at ilang taon na itong pinag-uusapan.

Noong 2017 pa sana naglaban ang dalawa sa United Arab Emirates pero hindi natuloy ang deal.

Si Pacquiao ay mayroong record na 61 wins, 7 loss at 2 draws sa 24 taong professional career nito habang si Khan ay may kartadang 34 na panalo at 5 talo.

 

TAGS: Amir Khan, deal, Keith Thurman, laban, manny pacquiao, November 8, Riyadh, saudi arabia, Amir Khan, deal, Keith Thurman, laban, manny pacquiao, November 8, Riyadh, saudi arabia

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.