Ayon sa 2 a.m. severe weather bulletin ng PAGASA, nasa bisinidad na ng Gonzaga, Cagayan ang bagyo.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 65 kilometro bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 80 kilometro bawat oras.
Kumikilos na ngayon ang bagyo sa direksyong West Northwest sa bilis na 30 kilometro bawat oras.
Nakataas ang Tropical Cyclone Warning Signal no. 2 sa:
– hilagang bahagi ng Apayao
– Batanes
– hilagang bahagi ng Cagayan kabilang ang Babuyan Group of Islands.
TCWS no.1 naman sa:
– nalalabing bahagi ng Cagayan
– nalalabing bahagi ng Apayao
– Ilocos Norte
– Abra
– Kalinga
– Isabela
– Mountain Province
– Ifugao
– hilagang bahagi ng Aurora
– hilagang bahagi ng Nueva Vizcaya
– hilagang bahagi ng Quirino
Ngayong araw, mararanasan ang katamtaman hanggang sa malalakas na pag-ulan sa Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Cagayan Valley, Nueva Ecija, Aurora, Zambales, Occidental Mindoro, northern Palawan kasama ang Calamian at Cuyo Islands, Aklan, Antique, Capiz, Iloilo, at Guimaras.
Mahina hanggang katamtaman na paminsan-minsan ay malalakas na pag-ulan naman ang mararanasan sa Metro Manila, CALABARZON, Bicol Region, nalalabing bahagi ng Visayas, Central Luzon, at MIMAROPA.
Mamayang gabi hanggang bukas, (July 18) mararanasan ang katamtaman hanggang sa malalakas na pag-ulan sa Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, at Cagayan Valley.
Mahina hanggang katamtaman na paminsan-minsan ay malalakas na pag-ulan naman ang mararanasan sa Metro Manila, Central Luzon, CALABARZON, at MIMAROPA.
Binabalaan ang mga residente sa mabababang lugar sa posibilidad ng pagbaha at pagguho ng lupa.
Hindi maaaring pumalaot sa mga lugar na nakataas ang tropical cyclone warning signals maging sa eastern seaboard ng Central Luzon, seaboard ng Southern Luzon at eastern at western seaboards ng Visayas.
Lalabas ang Bagyong Falcon ng Philippine Area of Responsibility sa Biyernes ng umaga (July 19).