‘Game of Thrones’ nagtala ng record sa nakuhang 32 Emmy nominations

By Len Montaño July 17, 2019 - 02:39 AM

Pinangunahan ng HBO at ang medieval fantasy series nitong “Game of Thrones” ang mga nominado sa Emmy awards, ang pinakamataas na parangal sa telebisyon.

Nakakuha ang HBO ng 137 nominations, 32 sa mga ito ay para sa three-time best drama series winner na “Game of Thrones” na nagkaroon ng final season noong Mayo.

Nominado rin ang mga lead actors ng “Game of Thrones’” na sina Kit Harington at Emilia Clarke.

Ang 32 nominations ng naturang TV series ay isang record-high para sa drama program sa isang taon lamang.

Sumunod ang Netflix na may 117 nominations sa pangunguna ng racial justice drama na “When They See Us” at ang comedy show na “Russian Doll.”

Matapos ang anunsyo araw ng Martes ay nakatakda sa September 22 ang Emmy Awards na gaganapin sa Los Angeles.

 

TAGS: 32 nominations, Emilia Clarke, emmy awards, Emmy nominations, Game of Thrones, hbo, Kit Harington, record, 32 nominations, Emilia Clarke, emmy awards, Emmy nominations, Game of Thrones, hbo, Kit Harington, record

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.