Yellow warning nakataas pa rin sa Metro Manila at kalapit na mga lalawigan

By Len Montaño July 17, 2019 - 02:13 AM

Nasa yellow warning pa rin ang Metro Manila at kalapit na mga lalawigan Miyerkules ng madaling araw bunsod ng pag-uulan mula sa Bagyong Falcon.

Sa Pagasa Heavy Rainfall Warning No. 2 na inilabas alas 2:00 umaga ng Miyerkules July 17, nananatiling nakataas ang yellow warning sa Metro Manila, Zambales, Bataan, Cavite, Laguna at Batangas.

Nagbabala ang Pagasa ng posibilidad ng pagbaha lalo sa mga flood-prone areas dahil sa yellow warning.

Samantala, nakakaapekto ang mahina hanggang katamtamang pag-ulan sa Tarlac, Pampanga, Nueva Ecija, Bulacan, Rizal at Quezon.

Inabisuhan ang publiko at Disaster Risk Reduction and Management Offices na magmonitor ng lagay ng panahon at sunod na Pagasa advisory na ilalabas alas 5:00 ng umaga.

 

TAGS: flood-prone, heavy rainfall warning, Metro Manila, Pagasa Bagyong Falcon, pagbaha, yellow warning, flood-prone, heavy rainfall warning, Metro Manila, Pagasa Bagyong Falcon, pagbaha, yellow warning

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.