PNP autopsy: Myka Ulpina nasawi sa tama ng bala sa utak

By Rhommel Balasbas July 17, 2019 - 01:56 AM

Nagtamo ng tama ng bala sa ulo si Myka Ulpina, ang tatlong taong gulang na batang babae na nasawi sa buy-bust operation ng pulisya sa Rodriguez, Rizal noong June 29.

Ayon kay PNP-Crime Laboratory Brigadier General Rolando Hinanay, lumalabas sa autopsy ng pulisya na pumasok ang bala sa batok ng bata at lumabas sa tenga.

Kung pataas man anya o pababa ang pasok ng bala ay nakadepende ito sa posisyon ng bata at posisyon ng nakabaril.

“Entry wound niya sa batok, lumabas siya sa may tenga, mas mataas sa may tenga,” ani Hinanay.

Nagtamo rin ng gunshot wounds ang bata sa kanyang mga kamay at paa.

Samantala, sinabi ng police official na nahihirapan silang matukoy kung sino ang nakabaril sa bata dahil walang metal fragments o bahagi ng bala na nakuhaa sa katawan nito.

Nasawi si Ulpina sa operasyon na ang target ay ang kanyang ama na si Renato Dolofrina.

Iginigiit ng pulisya na ginamit na human shield ni Renato ang kanyang anak na mariing pinabubulaanan ng pamilya ng bata.

 

TAGS: autopsy, buy bust, collateral damage, crime laboratory, human shield, Myka Ulpina, PNP, Renato Dolofrina, Rizal, Rodriguez, tama ng bala sa utak, autopsy, buy bust, collateral damage, crime laboratory, human shield, Myka Ulpina, PNP, Renato Dolofrina, Rizal, Rodriguez, tama ng bala sa utak

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.