Palasyo: Paghimok ni Sereno na sumali sa protesta hindi ‘inciting to sedition’

Hindi ikinukunsidera Palasyo ng Malakanyang na “inciting to sedition” ang ginagawa ni dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno na nanghihikayat sa publiko na makibahagi sa pagkilos para ipagtanggol ang demokrasya ng bansa.

Katunayan, sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na siya mismo ay sasama kay Sereno kung demokrasya talaga ang ipinaglalaban dahil marapat lamang ito na ipagtanggol ng bawat Filipino.

Welcome din aniya sa Palasyo kung ang hinihikayat ni Sereno ay ang iba pang mga kritiko ng administrasyon.

Sinabi pa ni Panelo na mismong si Pangulong Rodrigo Duterte pa nga ang nanghihikayat sa publiko na makibahagi sa mga rally para malayang maihayag ang kanilang saloobin.

Saka lamang aniyang maikukusinderang inciting to sedition na ang ginagawa ni Sereno kung manghihikayat ng publiko na huwag nang sumunod sa batas at kamuhian ang isang public official gaya ni Pang. Duterte.

 

Read more...