‘Hulidap’ na 2 pulis at kanilang asset arestado sa Pasig

By Angellic Jordan July 17, 2019 - 01:27 AM

Arestado ang dalawang pulis-Pasig at isang police asset dahil sa umano’y pagnanakaw sa isang lalaki na inakusahan nilang drug suspect sa Pasig City.

Nakilala ng Pasig City Police Station ang mga pulis na sina Police Cpl. Roy Duman-ag, 27 anyos; Patrolman Arsenio Velardo, 29 anyos; at ang police asset na si Janus Francisco, 36 anyos.

Ayon sa pulisya, pinigilan ng mga suspek ang biktimang si Robert Tamondong, 28 anyos, at sinabihang adik habang nakatutok ang baril.

Lumabas pa sa ulat na kinuha ng mga suspek ang P850 na cash at singsing ng biktima.

Nakuha rin sa mga suspek ang dalawang caliber 9mm Beretta pistol na kargado ng 48 na bala, isang Swiss knife at singsing ng biktima.

Sa press conference, sinabi ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Maj. Gen. Guillermo Eleazar na hindi kinukunsinti ng kanilang hanay ang pananamantala sa kampanya kontra ilegal na droga para sa personal na motibo.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong robbery with intimidation.

TAGS: adik, asset, hulidap, Maj. Gen. Guillermo Eleazar, NCRPO, pasig, Pulis, robbery with intimidation, singsing, adik, asset, hulidap, Maj. Gen. Guillermo Eleazar, NCRPO, pasig, Pulis, robbery with intimidation, singsing

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.