Niyanig ng magnitude 3.6 na lindol ang bahagi ng Surigao del Sur alas-11:14 Martes ng gabi.
Ayon sa Phivolcs, ang episentro ng lindol ay sa layong 10 kilometro Timog-Kanluran ng bayan ng Carrascal.
May lalim na 10 kilometro ang pagyanig at tectonic ang pinagmulan.
Aftershock umano ito ng Magnitude 5.5 na lindol sa lalawigan noong July 13.
Hindi naman nagdulot ng pinsala sa ari-arian ang lindol at wala ring inaasahang aftershocks.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.