Mga may kapansanan may libreng sakay sa LRT-2 ngayong araw

By Angellic Jordan July 17, 2019 - 12:33 AM

Mayroong libreng sakay ang mga person with disability (PWD) sa Light Rail Transit Line 2 (LRT-2) ngayong araw ng Miyerkules (July 17).

Ito ay dahil sa selebrasyon para sa ika-41 National Disability Prevention and Rehabilitation Week.

Ang tema ng selebrasyon ngayong taon ay “Lokal na Pamahalaan: Kabalikat sa Pagtupad ng Karapatan ng mga Taong May Kapansanan.”

Sa Twitter, sinabi ng pamunuan ng LRT-2 na magsisimula ang libreng sakay bandang 10:00 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali at 3:00 hanggang 5:00 ng hapon.

Kailangan lamang iprisinta ng mga PWD ang kanilang identification card o ID para makalibre ng pasahe sa tren.

Sa inilabas na Proclamation No. 361 noong August 19, 2000 idineklara ang ikatlong linggo ng Hulyo bilang National Disability Prevention and Rehabilitation Week.

 

TAGS: id, libreng sakay, LRT 2, may kapansanan, National Disability Prevention and Rehabilitation Week, Proclamation No. 361, pwd, id, libreng sakay, LRT 2, may kapansanan, National Disability Prevention and Rehabilitation Week, Proclamation No. 361, pwd

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.