4 na empleyado ng BOC nagpositibo sa drug test

By Angellic Jordan July 16, 2019 - 11:49 PM

BOC photo

Nagpositibo ang apat na empleyado ng Bureau of Customs (BOC) sa isinagawang surprise drug testing kahapon, araw ng Lunes (July 15).

sa isang panayam, sinabi ni Atty. Jet Maronilla, tagapagsalita ng BOC, na nagpositibo ang apat empleyadong nakatalaga  sa Port of Manila at Manila International Container Port (MICP).

Aniya, inisyal pa lamang ang resulta at magsasagawa pa ng confirmatory test sa mga nagpositibong empleyado.

Sakaling mapatunayang sangkot sa ilegal na droga, sinabi ni Maronilla na mahaharap ang apat sa kasong administratibo.

Posible rin aniya itong magresulta sa pagkakasibak sa serbisyo at pagkawala ng kanilang retirement benefits.

Noong Lunes, aabot sa 1,020 na empleyado ng BOC ang sumalang sa drug test matapos ang flag raising ceremony.

 

TAGS: 4 na empleyado, BOC, Bureau of Customs, confirmatory test, MICP, nagpositibo sa droga, port of manila, surprise drug test, 4 na empleyado, BOC, Bureau of Customs, confirmatory test, MICP, nagpositibo sa droga, port of manila, surprise drug test

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.