Duterte hindi magpapahuli sa “Bawal Bastos Law” ayon kay Panelo

By Chona Yu July 16, 2019 - 07:55 PM

Inquirer file photo

Tiniyak ng Malacanang na mauuna sa listahan si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagpapatupad at pagsunod sa Republic Act 11313 o Safe Spaces Act na mas kilala bilang “Bawal Bastos Law”.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, dahil sa nilagdaan ni Pangulong Duterte ang batas, nangangahulugan lamang ito na kinikilala ang naturang batas.

Matatandaang umani ng batikos si Pangulong Duterte dahil sa pambabastos sa mga babae.

Pero ayon kay Panelo, hindi bastos si Pangulong Duterte kundi gumagamit lamang ng makukulay na pananalita para magpatawa ng audience.

Katunayan, magalang at mapagmahal si Pangulong Duterte sa mga babae.

Kasabay nito, hinimok ni Panelo si Senador Leila De Lima na maghain na lamang ng reklamo laban kay Pangulong Duterte kapag bumaba na sa puwesto ang punong ehekutibo sa 2022 kung pakiramdam nito ay nabastos siya sa mga banat ni Pangulong Duterte.

Una nang nagbanta si Pangulong Duterte na isasapubliko niya ang sex video ni De Lima kung patuloy na babanat sa kanyang administrasyon

TAGS: bawal bastos law, duterte, panelo, Republic Act 11313, Safe Spaces Act, bawal bastos law, duterte, panelo, Republic Act 11313, Safe Spaces Act

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.