Pagkawala ng Botong Francisco mural sa Maynila pinaiimbestigahan na

By Erwin Aguilon July 16, 2019 - 04:04 PM

Inquirer file photo

Pinaiimbestigahan ni Buhay Party-list Representative Lito Atienza ang pagkawala ng Botong Francisco mural na nakalagay sa Bulwagang Antonio J. Villegas ng Manila City Hall.

Sa inihaing resolution ni Atienza, nanawagan ng agarang imbestigasyon para matukoy kung nasaan ang hindi mababayarang obra ng National Artist na si Carlos “Botong” Francisco na nagpapakita ng paghihirap ng mga Filipino at kasaysayan ng Maynila na kinomisyon naman ng dating Alkalde na si Mayor Antonio Villegas noong 1968.

Ito rin umano ang “source of pride” at inspirasyon ng mga Manileno at ng lahat ng bumibisita noon sa Manila City Hall.

Ito rin umano ang dahilan kaya ginastusan ito ni Villegas at kinumisyon ang painting kaya wala umanong sinuman ang may karapatan isangla ito kanino man kaya dapat itong ibalik sa orihinal na kinalalagyan sa Bulwagan.

Iginiit pa niya na ang nasabing mural ay idineklara bilang National Cultural Treasure noong 1996 at nawala ito sa Bulwagan 12 taon na ang nakakalipas at hanggang ngayon ay hindi pa naibabalik.

Napansin lamang umano ni Atienza na nawawala ang mural noong dumalo siya sa inauguration ni Manila Mayor Isko Moreno at sa halip na ang masterpiece ni Botong ang nakalagay sa Bulwagan at isang pangit na tarpaulin replica na lamang.

Giit pa ni Atienza na 3-term mayor ng Maynila na hindi lamang ito illegal kundi isang malaking sampal sa mga Manileno na nagtatanong na nasaan ang mural na posibleng bilyon na ang halaga ngayon at bakit hindi ito nabantayan ng lokal na pamahalaan ng Maynila.

TAGS: botong francisco, lito atienza, mural, national artist, botong francisco, lito atienza, mural, national artist

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.