Economic relation ng Pilipinas sa Iceland tuloy ayon sa Malacanang
Tiniyak ng Malacanang na tuloy pa rin ang umiiral na economic cooperation sa pagitan ng Iceland at Pilipinas.
Ito ay kahit na magpasya ang Pilipinas na putulin na ang ugnayan sa Iceland dahil sa resolusyon ng huli na paimbestigahan sa United Nations Human Rights Council ang anti-drug war campaign ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pangambang nauwi na sa extra judicial killings.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, walang rason para putulin ang investment at economic relations ng dalawang bansa dahil diplomatic ties lamang ang nakataya.
Wala rin aniyang dahilan para itigil ang pagnenegosyo kung pareho namang nakikinabang ang Iceland at pilipinas.
Kabilang sa mga investment ng Iceland sa Pilipinas ang Biliran Geothermal Incorporated na isang joint venture ng Filtech Energy Drilling Corporation at Orka Energy Philippines.
Sa pagkakaalam ni Panelo, aabot sa dalawang libong nurses, office at factory workers naman ang nagtatrabaho sa Iceland
Iginiit pa ni Panelo tuloy lamang ang operasyon at ligtas ang pagnenegosyo ng Iceland sa Pilipinas.
Una nang sinabi ni Panelo na seryosong ikinukunsidera ni Pangulong Duterte ang pagputol sa diplomatic relations sa Iceland dahil sa pagpapaimbestiga sa UNHRC sa anti- drug war campaign ng administrasyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.