High-tech na ospital balak ipatayo ni Moreno sa Maynila
Plano ni Manila Mayor Isko Moreno na magtayo ng state-of-the-art public hospital para sa mga residente sa lungsod.
Sa isang press conference, sinabi ng alkalde na target nilang magtayo ng pampublikong ospital na mayroong pasilidad at magandang serbisyo katulad ng Makati Medical Center.
Mainam aniyang sabayan ang ginagawang aksyon ni Health Secretary Francisco Duque III para makapagbigay ng maayos na kalidad ng serbisyong pangkalusugan.
Inamin naman ni Moreno na walang nakahandang pondo para sa nasabing proyekto.
Sa ngayon, abala aniya ang pamahalaang lokal sa disenyo at pagpaplano nito.
Umaasa naman si Moreno na maitatayo ito sa susunod na dalawang taon.
Sa ngayon, nakatayo ang Ospital ng Maynila sa bahagi ng Quirino Avenue corner Roxas Boulevard sa Malate.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.