Malaking kilos protesta ng mga militante sa araw ng SONA kasado na
Ikinasa na ng iba’t-ibang militanteng grupo ang malawakang pagkilos sa araw ng SONA ng Pangulong Duterte sa July 22.
Sesentro ang malawakang protesta sa panawagan ng mga militanteng grupo na ipaglaban ang Pilipinas, ang soberanya, kabuhayan at demokrasya laban sa China at rehimeng Duterte.
Sinabi ng Bagong Alyansang Makabayan o Bayan na puntirya ng pagkilos ang pangangamkam ng China sa ating dagat at isla.
Magsusuot ng asul na damit mga militanteng grupo habang ang mga bibitbiting placard ay korteng isda at iba pang yamang dagat.
Umaga pa lang magtitipun-tipon na at magsasagwa na ng programa ang iba’t ibang grupo mula sa Elliptical Road hanggang Commonwealth.
Pagdating ng alas 3:00 ng hapon magsasama-sama na ang mga grupo sa tapat ng St. Peter’s Church sa Commonwealth para pormal ng simulan ang programa na tatagal hanggang alas 6:00 ng gabi.
Hinihikayat ng mga militanteng grupo ang publiko na manindigan para sa ating bansa at lumahok sakanilang malawakang protesta, magsuot ng asul at magdala ng anumang imahen na kumakatawan sa yamang dagat.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.